Monday, July 13, 2009

Weekend Madness 001

Badtrip ako nung Friday. Bwiset! May issue ang (prodigal)mommy ng anak ko sa akin regarding money matters. Nakakabwiset yung usapan namin. Gigil na gigil ako. Gusto ko cya dukutin sa loob ng computer kung pwede lang. I don’t know kung san napunta yun utak nya. Nawala yung dating smart and out of the box thinker na kilala ko. Parang nag fly away yung utak nya nung nag punta cyan g US. Kaya wag kayo pupunta ng US, kung pupunta man wag magtatagal.Naka bobo pala dun.


If I may say, wala ka cyang karapatan to question my way of upbringing sa anak namin (ayokong gawing materialistic ang anak ko), afterall, baka nakakalimutan nya na I singlehandedly raised Cairo. At di ko ginagastos ang perang pinapadala mo. Tanong mo sa BPI Family Bank. Andun lahat, ni singko wala pang na wi withdraw. Mas mayaman kaya ako sau. Di ko kailangan ng pera mo, mas madami akong pera sau.Hehehe. Ayokong manumbat pero alam nya naman siguro kung ano nangyari sa amin, wala pa naman siguro cyang memory gap.


Di alam ng mommy and daddy ko to. Kasi panigurado susugod sa US yun para tadyak tadyakan ang (prodigal)mommy ng anak ko. Secret lang natin to.


Nagulo tuloy mundo ko. Nawala ako sa working mood, muntik ko na di matapos yung report na ginagawa ko, buti na lang reliable si Dy (salamat pare!) at tinulungan nya ako matapos yung report namin kung hindi delikado ang trabaho at ang bayad sa trabaho. Baka maungusan ako ng (prodigal)nanay ng anak ko sa dami ng pera (hindi halatang bitter ako).

Nahimasmasan lang ako nung gabi na (mag uumaga na pala). A cyber friend (oo ikaw nga at launching ng career mo ngayun sa blog ko, tsaka na komisyon ko pag sikat ka na) made me laugh (natatawa ako sa tawa nya kasi wala cyang ginawa kundi tumawa ng tumawa sa mga pinagsasasabi kong kabulastugan at kabalasubasan, bungingis!, gets mo?) na nauwi sa almost non-stop kwentuhan kundi pa tumilaok ang mga manok sa kapaligiran. Ginawa nya akong clown nung mga oras na yun! Para lang sya nakalanghap ng limang gallon na laughing gas.


Saturday, di pa ko masyado nakakatulog ayun, binulabog na ko ng daddy ko sa kwarto. Nakapangako kasi ako sasama sa Tarlac para asikasuhin yung konti naming business dun. Buti na lang may instant driver kami, si Leroy kaya nakatulog ako on the way to Tarlac.

Saglit lang kami dun, before 5 PM nasa Manila na ulit kami. I drove pabalik, nakaka hiya kay Leroy, baka sabihin wala akong silbi, sumama pa ako.


Nagpababa ako sa Trinoma. I’ll be meeting up some UPeeps konting dinner lang tsaka walang humpay na bashing moment. Wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa ng tumawa (ginawa ulit akong clown, ayus ang silbi ko sa mundo no?). Umuwi nako ng 10, bangag na bangag na ko. Kaso pag dating ko sa bahay, nawala yun antok ko. Hyper na naman. Nag work ako, wala pa din di pa rin inantok. Blog hop and hop and hop while working, nde pa din epektib. Nag online si cyber friend (oo ikaw pa rin to!) na sure na ko by now na pinaglihi cya sa nitrous oxide. Ayun taena, inabot na naman ng bukang liwayway at clown na naman nya ko. Tinakot ko rin pala yung mga batang maiingay na nakatambay sa tapat ng bahay namin. Pinag chi chismisan kasing haunted house tong bahay namin sa sobrang kalumaan. May taong gumawa ng istorya tas kinagat ng mga chismosa at chismoso naming kapitbahay. Pinanindigan ko na lang, minsan nagpapanggap akong mumu in the city at tinatakot ko yung mga nagdadaan or yung mga tambay sa tapat ng bahay namin pag maingay.


Sunday, kahapon, birthday ng kapatid ng daddy ko. Si Tito Eto (Happy Birthday Tito!). Family reunion as usual, almost everybody present. Pagdating namin sa kanila ng tanghali kami na surprise. May birthday gift yung bunso nyang anak. Si 19 y/o cousin, may uwing babae, preggy.

Gulat ako, tahimik kasi na bata yun. Barkada lang inaatupag. Sabi ng kapatid nya, may GF daw pero di naman daw serious. Nag aaral pa si cousin, di ko alam kelan matatapos. Ewan ko din anong papakain nya sa mag-ina nya. Nope, di kami magkatulad, kasi ako tapos na ng college nung nagka anak at may trabaho, meaning may pambuhay ako sa anak ko at di aasa sa magulang. Naturalmente, yung inasawa di rin tapos or ewan ko kung nagaaral ba yung babae. Eto pa, ayaw pakasalan ng pinsan ko yung girl pero nasa bahay nila.Live in ba.Ganun. Anong future kaya ibibigay nila sa anak nila?


Napainom na naman ako sa birthday ng tito ko syempre. Umuwi lang ako maaga kasi baka bumigay na naman katawan ko at magkasakit. Katakot takot na sermon na naman aabutin ko pag nagkataon. Na tempt na naman ako mag net, ang ending nagbasa ako ng blog instead of taking a nap. Nga pala, meet my new blogmate
Zai Zai (naaliw ako sa cam whoring nila ni booboo at natuwa ako sa brother nyang si Ge, parang si Cairo lang minus the eye glass tsaka maputi ng konti anak ko (nagmana sa prodigal mommy nya kasi isa rin kong baluga, hehe).Lasing ang daddy ko pag uwi nila pero ayaw pahalata, nag pe pretend na naman na kaya nya e konting tapik mo lang mabubuwal na. At syempre ang bibo kong anak nag sumbong sa akin na daming nainom ng daddy ko.

After dinner (galing sa handaan!), nag aral na kami ng anak ko tas naligo kami sabay. Pinatulog ko ng maaga para walang topak pag gising kinabukasan. Tas ako inatupag ang trabaho (ang bayad baka mapurnada!). Malapit na presentation, Singapore, here I come!

8 comments:

ZaiZai said...

haha tawa ako ng tawa tuwing may (prodigal) mommy :)

sexymoi said...

prodigal talaga ha? hehe.. cute naman daddy and baby nag rereview together... awww...

Anonymous said...

nalibang ako basahin tong post na to. parang kaharap lang kitang ngkukwento. Ang daldal mo! LoL. goodluck pare sa pagiging daddyo! ilang taon na c cairo?

chill lang tau lage!

domjullian said...

@zai, ako rin tawa ng tawa. actually walang prodigal yan nung una. nilagyan ko lang para makaganti kahit dito man lang sa blog.hehehe

@sexymoi, uy first time! welcome! oo literal cyang prodigal mommy ang kaibahan lang, nde bumalik! student kami parehas ngayun kaya habang nag rereview anak ko, sinasabayan ko. blogmate tayo? add kita?

@kuri, pag hyper ako ganyan ako. non stop. binata na anak ko. mag 10 na!

ZaiZai said...

hehe hinabol lang pala ang prodigal. good luck sa pg rereview nyo ni cairo. wag mo syang kulitin ng makapag review sya mabuti (baliktad no?) :)

Anonymous said...

aga mo pala lumandi, este na-inlove! hehe. sana ganyan n rin kalaki si jared ko.

domjullian said...

@zai, pag sunday lang yun review kasi pag weekdays nanonood kami ng may bukas pa at tayong dalawa instead mag-aral.hehehe

@kuri, mahihiya ang higad at gabi sa kati ko. mahirap din pag nasa ganitong age na anak mo alam mo na curious sa lahat ng bagay pero masaya kasi sooner or later magiging lolo nako.Hahaha!

ZaiZai said...

haha..nasusubaybayan nyo pala si bro :)sana maging sing bait ka ni santino ha.