Thursday, July 16, 2009

Exam Blues 001

Kainis! Tinodo ko pa naman pag rereview ko ng ilang araw para lang ma-impress si RD sa akin, kaso swerte na siguro makakuha ako ng 2.0 sa Political Sociology class nya. Hay buhay! Yung ine-expect kong flat 1.0 naglaho. Pero hindi pa rin, in high spirits pa rin ako. Sana naka droga si RD habang nag che-check cya ng papel ko at flat 1.0 ang ilagay nya. Sana.Hehehe. O di kaya ganito, kasi tatakbo cyang congressman pag tumakbo si GMA, promise i-flat 1.0 mo ko iboboto at ikakampanya kita kahit hindi ako taga Pampanga.Hahaha.Hopeless!



Eto naman si Mam FG na Prof. ko sa Gender Studies, nagsurprise exam pa e hindi naman ako na surprise kasi sangkaterbang reading materials ang binigay nya last meeting. Madami akong nasagutan at umaasa ako na nasa 1.5 - 1.0 ang grade ko.Pag hindi, di na ko papasok madalas sa subject mo kasi inaantok ako lagi pag nag lelecture ka.Hehehe.

3 comments:

kuri said...

ala vote buying yan ah! di pala vote selling!

naalala ko dati kung kelan lng mag-eexam saka ako nag-aaral. nakakapasa naman. pasang-awa nga lang!

Zai Zai said...

hehe may bargaining talaga para sa grade. sana sa gender studeis matupad ang pag asa mo na 1.0 na ang grade. binigo ka kasi ni RD.

domjullian said...

@Kuri, oo kailangan mag vote selling. Nakakahiya sa mga classmates ko na more than 10 years younger than me pag nataasan nila ako.hehehe.verdict time on tuesday.crap exam!

@Zai, di pa naman bigo till Tuesday. I'm still hoping hanggat di sinsabi ni RD sa akin na lamang ka lang ng konti sa mga bobo.Hehehe