Monday, July 20, 2009

Weekend Madness 002

Jam packed, emotion-filled and tiring weekend.


Super early Friday morning flight to Singapore. Buti hindi nag crash yung plane. Hello Singapore ako by 6 AM! Bangag na bangag pa!

Friday was soooooo tiring but fun kasi my team mates we’re able to deliver a smooth client presentation (my own verdict 88/100, not bad for a first time!). May revisions pa that we have to include sa report but its very minimal. 2nd project payment came, meaning may pera na ako.Yehey!


Sobrang busog din ako the wholeday sa sobrang dami ng pagkain sa meeting/client presentation. Dinner was so nice, sarap ng food at ang drinks, ayun nalasing ako! Chinese dimsum, the best! 100% happy na sana araw ko kasi I was able to talk to my apple cobbler (uhuyyyyyyy) kaso bwaka ng ina (pardon my words!). We (my team mates and UPeeps) received a call from our other UPeeps friend #1. She was able to talk to another UPeeps friend #2. Marital blues kaso way below the belt. Si UPeeps friend #2, binubugbog ng pandakekok nyang asawa. Basta sinasaktan, medyo duda ako sa binubugbog, baka na exaggerate lang. Kasi mas malaki pa yung kaibigan namin kesa sa pandakekok nyang asawa. May nakitang condom si wifey sa pants ni hubby, as expected nagtanong si wifey.Nagwala si hubby, sobrang guilty! I just let our other female UPeeps Friends do the talking, then us boys will do the hunting dun kay pandakekok. Konting bugbog lang siguro ayus na. Ano ba naman yung pitong lalake na my minimum height na 5’9 ang bubugbog sa isang pandakekok na lalaki na wala pa atang 5’3 ang height. Abangan nyo na lang sa inyong suking dyaryo ang balita pero wag nyo ako ituturo.


Yun nga, nag online si apple cobbler ko kaya sumaya ako. Parang 16 y/o lang.Basta masaya.Weeeeee!


Saturday’s better. Meeting with another prospect client. Sana makuha namin yung project. Konting gala tas walang katapusan na food trip. Sarap mag feeling mayaman!


Super early Sunday morning flight back to Pinas. Welcome to the real world again! Walang masyadong nangyari kasi tulog lang ako the whole day to make up sa aking puyat days sa Singapore at dahil sad ako hindi ko naka usap si apple cobbler ko (hindi to lovelife, basta, we enjoy eachother's company). Pero ang anak ko humirit. Pag uwi ko sa bahay di pa ako natulog agad, kaya sinermunan ako ng anak ko:

Cairo: Daddy, matulog ka na. Ilang araw ka ng puyat. Lagi ka na lang nagpupuyat.

Domjullian: *Gulat*. Pano mo nalaman?

Cairo: Kilala na kita. Matulog ka na!



Diba, parang daddy ko lang nagsermon. Nagalit yan kasi hindi ko binilhan ng gameboy advance na gusto nya. Sumakit ang buong katawan ko kakatulog


Sana mas masaya kaysa sa akin weekend nyo!

3 comments:

ZaiZai said...

cute naman ng term of endearment mo - apple cobbler :)

Anonymous said...

apple cobbler ang tawagan pero hindi lovelife?
hmmmm...
ang lupet talaga ni cairo!

domjullian said...

@Zai, yup, fave ko kasi yun

@Kuri, nde pa :(, ewan ko san nakuha ng anak ko yung ganun ugali. Kanina hinatid ko cya sa school. Bago bumaba, he asked me what time ako uuwi kasi late na ko umuwi from work yesterday.Sabi nya: daddy, umuwi ka ng maaga, lagi ka na lang pagod. Grabe, pare, everytime makakarinig ako ng ganun sa anak ko, naluluha ako. Achievement ko yun somehow since ako lang (well my parents too) ang nagpalaki sa kanya. Sana Lilo din ganun. Kita ko naman mabuti ka din ama